Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of lawless violence.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagsabog sa Davao city night market kagabi kung saan mahigit sampu ang patay habang mahigit animnapu ang sugatan.
Ayon sa pangulo, ang bansa ay nasa ilalim ngayon ng krisis dahil sa problema sa iligal na droga, extra judicial killings at terorismo.
Sa ilalim ng state of lawless violence maaaring magsagawa ng mga operasyon at magpatakbo sa bansa ang unipormadong sangay ng pamahalaan.
Dahil dito asahan aniya ang mas pinalawak na police visibility at checkpoints.
Bagamat una nang natanggap ng pamahalaan ang mga bantang pag-atake, iginiit ng pangulo na hindi nagkulang ang pangangalap ng intelligence report ng mga kinauukulan.
Sa kabila ng nangyari, nanindigan ang pangulo na ligtas pa rin puntahan ang Davao at pinayuhan ang publiko na manatiling kalmado at maging alerto.
By: Ralph Obina