Hindi na tataas pa ang presyo ng manok sa merkado.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 123 na magpapanatili sa presyo ng mga poultry product.
Layon ng EO na matiyak ng gobyerno ang patuloy na suplay ng essential food products at ang matatag na presyo ng mga ito.
Saklaw ng EO na hindi muna dapat taasan ang buwis ng fresh, chilled at frozen cuts ng mga panindang manok sa mga pamilihan at hindi sumabay sa mataas na presyo ng baboy.
Gayunman, hindi rin naman pinabayaan sa inilabas na EO ang mga negosyante dahil nakasaad din dito ang intesyong matulungan silang makabangon at mapanatili ang kanilang operasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.