Nagpa-abot ng pagbati ang Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong halal na presidente ng South Korea na si Moon Jae In.
Ayon sa Pangulo, hangad nya ang tagumpay ng pangangasiwa ng bagong pamahalaan ni Moon at nawa’y lalo pang tumatag ang ugnayan ng South Korea at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Moon.
Sinabi ng Pangulo na matagal na ang ugnayan ng dalawang (2) bansa hindi lamang sa larangan ng negosyo kundi maging sa mga isyung pulitikal at pagpapalaganap ng kultura ng bawat bansa.
Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa mga magsasakang nag kampo sa Mendiola umani ng papuri
Umani ng papuri mula sa Bagong Alyansang Makabayan ang pagdalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magsasakang nag kampo sa paanan ng Mendiola.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng bayan, ang Pangulong Duterte pa lamang ang kauna-unahang presidente na nakagawa nito.
Gayunman, mas lalo anyang kahanga-hanga ang pangulo kung matutupad ang pangako nito sa mga magsasaka na ibabalik nya sa kanila ang mga lupaing sinakop ng Lapanday Farms sa Davao na pag-aari ng Pamilya Lorenzo.
By Len Aguirre |With Report from Aileen Taliping / Aya Yupangco