Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maghanap ng mga paraan upang maisakatuparan ang mga layuning babago sa kalidad ng buhay at kasalukuyang estado ng bayan.
Inihayag ito ng Pangulo kasabay ng kaniyang pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na magsisimula bukas, Agosto 1.
Sa kaniyang inilabas na mensahe, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang ginampanang papel ng Wika upang mapagkaisa ang mga Pilipino sa gitna ng mga hamon at pagsubok na kinaharap nito.
Ikinatuwa rin ng Pangulo ang tema ng pagdiriwang para sa taong ito na “Filipino: Wikang Mapagbago” dahil sa naaangkop ito sa hangaring maitaguyod ang mga repormang higit na makapagpapatatag sa bansa.