Tiniyak ng Malakanyang ang patuloy na pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng bagong administrasyon ni US President Elect Joe Biden.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasabay ng pagpapaabot ng pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Biden,sa ngalan ng lahat ng mga Filipino.
Ayon kay Roque, umaasa ang Malakanyang sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa administrasyon ni Biden na nakabatay sa respeto at benepisyo sa isa’t-isa gayundin ng pangako para sa demokrasya, kalayaan at rule of law.
Sinabi ni Roque, hiling ng Pangulo ang lahat mabuti sa pagkakaluklok at pamumuno ni Biden sa Estados Unidos.