Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa pagbibigay ng tulong at suporta sa gobyerno.
Ito’y matapos opisyal nang binuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Estrella-Pantaleon bridge
Ito’y higit 500 metrong haba na kumukunekta sa Mandaluyong at Makati City.
Mayroong apat na lanes itong tulay na pinondohan ng gobyerno ng China sa halagang P1.46 na bilyon.
Sinabi ng Pangulo na malaking tulong ito para mapaluwag ang trapiko sa EDSA at magpapahusay sa biyahe ng mga motorista sa pagitan ng Mandaluyong at Makati City.
Nasa 50k motorista ang maaaring makadaan dito araw araw.