Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras muli ang pamahalaan sa gumugulong nang usapang pangkapayapaan sa mga komunitsa.
Ito’y makaraang ihayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang pagkakabalam muli ng peace talks dahil nais ng Pangulo na magkaroon muna ng mga konsultasyon mula sa taumbayan hinggil dito.
Sa talumpati ng Pangulo kahapon, sinabi nitong batid niya ang hirap na dinaranas ng mga pulis at sundalo para labanan ang insurgency sa bansa.
Kaya naman hinihingi niya ang pulso ng sambayanan kung nararapat pa ba o hindi na ipagpatuloy ang pakikipagkasundo sa mga rebelde sa ngalan aniya ng kapayapaan.