Nagpasalamat naman si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mga nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon kay Pangulong Duterte, ikalulugod ng mga Pilipino na makamit ang tinaguriang “Golden Age of Infrastructure” sa tulong ng Japan kung saan kabilang sa mga popondohang proyekto ang 354 Billion Peso Mega-Manila Subway.
Pinasalamatan din ng Punong Ehekutibo ang Japan sa kontribusyon nito upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Samantala, tiniyak ni Pangulong Duterte na kapwa prayoridad nila ni Abe na patatagin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan.
—-