Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si United State President Joe Biden para sa binigay nitong donasyon ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Sa virtual summit of Leaders of the Association of Southeast Asian Nations o ASEAN nations, binati ni Pangulong Duterte si US President Biden sa pag-attend nito sa kauna unahang ASEAN-US summit kung saan nagpasalamat ito sa bakunang ibinigay ng Amerika sa bansa.
Nasa kabuuang 24 na milyong COVID-19 vaccine dose ang naibigay na ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility, ang vaccine sharing program na suportado ng who.
Giit ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng political dialogue, economic engagement at socio cultural ties upang pagtibayin ang ASEAN US strategic partnership.
Samantala, nanawagan ang Pangulo para sa kooperasyon sa digital at human resource development, kasama ang technical vocational education at training, para mapadali ang global recovery mula sa COVID-19 pandemic.