Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Arab Emirates (UAE) sa tulong upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng telepono, ipinaabot ni Duterte ang kaniyang pasasalamat sa Crown Prince ng Abu Dhabi at Deputy Supreme Commander ng United Arab Emirates na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa donasyong pitong metrikong tonelada ng medical supplies, personal protective equipment at 100K doses ng Hayat Vax vaccines na nagpalakas ng pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod pa dito, binati din ng Pangulo ang UAE sa ika-50th Founding Anniversary nito kasabay ng pasasalamat sa pangangalaga at pagmamalasakit sa halos 600K Pilipinong naninirahan sa UAE.
Umaasa ang Pangulo na mas hihigit pa ang pakikipagtulungan ng UAE sa bansa upang patuloy na tugunan ang mga hamon ng pandemya. —sa panulat ni Angelica Doctolero