Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang tumulong sa Pilipinas sa pagtugon sa pandemya.
Kabilang sa mga pinasalamatan ng Pangulo ang gobyerno ng Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates at Italy.
Tumulong naman ang Israel sa pagpapadala ng mga health expert at medical equipment sa bansa.
Ibinida naman ni Ambassador Annika Thunborg ng Sweden ang tulong ng kanilang bansa sa transportation projects sa Pilipinas.
Pinasalamatan rin ng Pangulo si Ambassador Leopoldo Lazatin ng Malta sa kanilang feeding programs, medical missions at disaster and relief operations sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico