Ipinatawag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kongresista upang talakayin ang mga agarang solusyon sa matinding epekto sa ekonomiya ng walang-patid na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat nang magpulong ang kongreso at economic team ng gobyerno sa lalong madaling panahon upang maibsan ang pasakit na pina-pasan ng mga mamamayan.
Sa kanyang Talk to the People kahapon, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng agarang pagresolba sa nagbabadya na namang economic crisis dulot ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Samantala, ibinabala ni Pangulong Duterte na maaaring maramdaman hanggang sa susunod na taon ang epekto ng mataas na presyo ng krudo.