Nagpatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na maipapasa sa oras ang panukalang 2021 national budget.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakda mula Oktubre a-13 hanggang a-16 ang special session.
Layunin nitong maibalik ang congressional deliverations para sa proposes 2021 national budget at maiwasan ang anumang pagkakaantala sa agarang pagpasa nito.
Sinabi ni Roque, alinsunod sa section 15 article 6 ng 1987 constitution, maaaring magpatawag ng special session ang pangulo anumang oras.
Sa kapareho ding proklamasyon, sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent ang proposed P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.
Oras na nasertipkahan bilang urgent, maaari nang laktawan ng Kongreso ang three-day rule para agad na maipasa ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa matapos makalusot sa ikalawang pagbasa.