Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritiko na bumabatikos sa umano’y pananahimik ng Pilipinas.
Kaugnay ito sa usapin ng militarisasyon ng China partikular na ang pagde-deploy ng nuclear bomber air craft sa Woody Island na bahagi ng Paracel Islands na pinag-aagawan ng China at Vietnam.
Ayon sa Pangulo, madali aniyang magdeklara ng giyera sa China kung nanaisin niya subalit ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga sundalo gayundin ang kalagayan ng bansa.
“Can I rely on America and drop the first bomb when we attack?”
“Can I rely on anybody’s help? If all of my soldiers will die there and all of the policemen [who will] assist them [die], who will answer for it? I. The people will execute me right at the Luneta . . . If I do that, either I am inviting trouble within my country or the military and police will oust me.”
Binanatan din ng Pangulo ang Amerika na aniya’y pumipilit sa kaniyang magsalita gayung wala naman itong nagawa noon para pigilan ang China sa mga ginagawa nito sa South China Sea.
—-