Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa usapin ng pagbibitiw ni dating Secretary Rodolfo Salalima sa DICT o Department of Information and Communications Technology.
Ayon sa Pangulo, tila hinaharang umano ni Salalima ang pagpasok ng kumpetisyon sa larangan ng Telco o Telecommunications Company sa bansa para paboran ang dati nitong pinaglilingkurang kumpaniya.
Iginiit ng Pangulo na nais na niyang buksan sa ibang mga kumpaniya sa labas ng bansa ang industriya ng telekomunikasyon sa bansa dahil sa natatanggap niyang mga reklamo hinggil sa mabagal na koneksyon ng internet.
Naglabas din ng sama ng loob ang Pangulo kay Salalima dahil sa hindi nito pagbanggit sa kaniya sa mga nangyayaring katiwalian sa DICT bukod pa sa hindi nito nagustuhan ang ilang naging pahayag ng dating kalihim pabor sa Globe Telecom.
—-