Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nito pinagbitiw sa puwesto si dating Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagsinungaling sa kanya si Salalima dahil inupuan nito ang aplikasyon ng mga dayuhang player na nais magtayo ng negosyo sa bansa para sa mas mabilis na internet connection.
Hindi man anya aminin, mas pinaboran ni Salalima ang kumpanya ng Globe telecom kung saan ito kunektado bilang Vice President at hindi nito inaksyunan ang ibang player na nais pumasok sa telecoms industry sa bansa.
Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi niya sinasabing tiwali ang dating kalihim at nagkataon lamang na hindi nito ginawa nang maayos ang kanyang trabaho sa DICT.