Binasag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pananahimik hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
Ito’y kaugnay sa pinaka huling tensyon sa pagitan ng bansa at China matapos ang pananatili ng presensya ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Sa televised cabinet briefing kagabi, sinabi ng pangulo na magiging madugo lamang kung patuloy na igigiit ng Pilipinas ang pang-aangkin nito sa pinag-aagawang teritoryo.
We can only retake it by force, there is no way that we can getback the tawag nilang Philippine Sea without any bloodshed, iyan talaga angtotoo, maski anong sabihin ng mga military…If we go there…it would bebloody. It could result to a violence that we could not maybe win.
Wala aniyang mangyayari kahit ano pang gawin dahil sa paniniwala ng china ay sa kanila ang naturang teritoryo.
Ako gusto ko tinanong ko nga si Secretary Delfin Lorenzana, na pwede ba tayo pumunta doon papasok tayo sa spratly island ng barko natin, of course it should be a coast guard…na para ipakita lang natin sa Pilipino na maski na ilang balik natin doon wala talagang mangyari. Because we are not in the possession of the Sea, sa kanila e’, ani ng Pangulo.