Nagtakda ng dalawang buwang deadline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng komunistang grupo at pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakahanda siyang sagutin lahat ng mga gastusin para sa peactalks.
Gayunman, nagbabala ang pangulo na oras na walang mangyari sa negosasyon, tiyak na sisingilin niya ang mga rebelde.
Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga rebelde na tigilan na ang pangongolekta ng mga revolutionary taxes at panununog ng mga kagamitan ng mga kompanya.
Nagbanta rin ang pangulo na babarilin niya si Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison kapag bumalik ito ng bansa sakaling muling mabigo ang usapang pangkapayapaan.
Samantala, una nang nilinaw ni PangulongDduterte na ang CPP-NPA ang siyang humirit na buksan muli ang peactalks matapos aniya mapagtanto ng rebeldeng grupo na marami na sa kanilang miyembro ang pinipiling magbalik loob sa pamahalaan.