Nagtalaga na ng bagong pinuno ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa inilabas na appointment letter ng Malakanyang na may petsang June 25, 2019, itinalaga si Chief Supt. Allan Iral bilang bagong BJMP director.
Pinalitan ni Iral si Deogracias Tapayan na una nang nagretiro sa pwesto.
Samantala, nilagdaan na rin ng pangulo ang appointment paper ni Ricardo Morales bilang member-representing the indirect contributors sa board of directors ng Philhealth.
Gayundin ang pagpapalawig sa termino ni Amable Aguiloz bilang Special Envoy of the President to the Gulf Cooperation Council mula July 2019 hanggang June 2020.
Itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Lordines Corpus Dela Cruz bilang deputy national statistician ng Philippine Statistics Authority.