Aabot sa 21 appointee ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan.
Nangunguna sa listahan ang kontrobersyal na dating propesor ng University of Santo Tomas na si Jose David Lapuz bilang Presidential Consultant for Education and International Organization.
Matatandang una nang lumutang ang pangalan ni Lapuz bilang Chairperson ng Commission on Higher Education kapalit ni Patricia Licuanan.
Itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Taguig Mayor Laarni Lopez-Cayetano bilang kinatawan ng Local Government sa Legislative-Executive Development Advisory Council habang magiging kinatawan naman ng youth sector sa Legislative-Executive Development Advisory Council si National Youth Commission Chairperson Aiza Seguerra.
Itinalaga rin ang furniture designer na si Kenneth Cobonpue Bilang Co-Chairperson ng Central Visayas NEDA Regional Development Council at si PHIVOLCS Director Renato Solidum bilang undersecretary ng Department of Science and Technology.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping