Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ang isang kontrobersyal na educator at anak ni dating Parañaque City Mayor Joey Marquez.
Ini-appoint ni Pangulong Duterte ang kanyang dating Political Science Professor na si Jose David Lapuz bilang isa sa mga miyembrong kumakatawan sa educational, scientific at cultural agencies ng gobyerno sa UNESCO National Commission of the Philippines.
Ikinunsidera noon si Lapuz bilang Commission on Higher Education Chairperson subalit iprinotesta ito ng kanyang mga estudyante dahil hindi umano kwalipikado kaya’t nanatili si Patricia Licuanan bilang pinuno ng CHED.
Binigyan din ng pwesto sa gobyerno si dating Barangay BF Homes, Parañaque City Chairman Jeremy Marquez Bilang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Si Marquez na tumakbo sa pagka-bise alkalde subalit natalo noong May 2016 elections ay isa sa mga sumuporta sa kandidatura sa pagka-Pangulo ni Duterte
Bukod kina Lapuz at Marquez, kabilang din sa itinalaga sina Florante Igtiben Bilang Director-4 ng National Economic and Development Authority at Danilo Bernal Jr bilang miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines leasing corporation;