Susubukan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan din ng libreng bakuna kontra COVID-19 ang pamilya ng mga sundalo.
Sa talumpati ng punong ehekutibo sa kuta Heneral Teodulfo Bautista headquarters sa Jolo, sinabi ni Pang. Duterte, na ang mga mahihirap ang unang mabibigyan ng bakuna na susundan ng mga uniformed personnel.
Ayon sa Pangulo, sakaling mabakunahan na ang mga kabilang sa priority sectors, nais niyang maturukan din ng free COVID-19 vaccine ang pamilya ng mga militar.
Pahayag ni Pang. Duterte, kanya umanong kakausapin si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez hinggil dito.