Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang resulta ng isinagawang 2nd quarter survey ng Social Weather Stations o SWS mula noong Hunyo 27-30 ngayong taon.
Mula sa 56% noong Marso, bumaba ang rating ng Pangulo sa 45% o labing isang (11) porsyentong pagbaba.
Bagama’t “good” ayon sa SWS, ito na ang pinakamababang rating ni Duterte mula nang manungkulan siya noong Hunyo 2016.
Sa naturang survey, lumabalabas na 65% ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ni Pangulong Duterte habang 20% naman ang di kuntento at 15% ang hindi makapagdesisyon.
Ginawa ang survey sa mga panahon na sinabi ng Pangulo ang mga katagang “stupid” ang Diyos.
Nagbigay naman ng komento si Pangulong Duterte hinggil sa lumabas na survey at sinabing hindi siya interesado dito.
“I do not care. Make it 15…wala na ako diyan. It does not interest me at all. Basta ako, cast along na lang ako”. Pahayag ng Pangulong Duterte
—-