Nakapagtalaga na ng vaccine czar si Pangulong Rodrigo Duterte, dalawang buwan na ang nakalilipas.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos imungkahi ni Senador Ralph Recto sa pangulo ang pagtatalaga ng point-person para sa pag-import ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayunman sinabi ni Roque na nag-aalangan pa ang naturang opisyal na maisapubliko bilang vaccine czar dahil nangangamba aniya itong nakalimutan na ng pangulo ang pagkakatalaga sa kanya.
Ayon kay Roque, hinihintay pa ng nasabing opisyal na magkaroon muli ng pormal anunsyo si Pangulong Duterte sa kanyang appointment.