Kasalukuyan nang nasa Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang tatlong araw na official visit.
Dakong Alas 11:47 nang dumating ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo sa Royal Thai Airforce Military Air Terminal 2 sa Bangkok.
Kabilang sa mga inaasahang aktibidad ng Pangulo ay ang pakikipagpulong nito kay Thai Prime Minister Prayuth Chan-Ocha gayundin sa Filipino Community sa Thailand.
Lalagdaan din ng Pilipinas ang tatlong mahahalagang kasunduan sa Thailand na may kinalaman sa science and techology, agrikultura at turismo.
By: Jaymark Dagala