Nakatakdang bumili ng armas para sa militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea kasunod ng gagawing pagdalo nito sa special commemorative summit.
Ayon sa pangulo, handa siyang mamasahe para personal niyang makita ang mga bibilhing armas.
Samantala, naniniwala naman si South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man na mas lalalim pa at tatatag ang ugnayan ng dalawang bansa sa muling pagbisita ng pangulo sa Busan.
Dagdag nito, layon ng naturang summit ang peace and prosperity sa Asya.
Gaganapin ang 2019 ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit mula Nobyembre 25, Lunes, hanggang Nobyembre 27, Miyerkules. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).