Nakatakdang bumisita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu matapos ang magkasunod na pambobomba sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral na ikinasawi na ng halos 18 katao.
Wala namang ibinigay na detalye ang Malakanyang kung anong oras darating ang pangulo bilang bahagi ng security protocol.
Magugunitang tiniyak ng Palasyo na dudurugin ng militar ang sinumang nasa likod ng panibagong terrorist attack sa Mindanao.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay at simpatya ang Malakanyang sa pamilya ng lahat ng mga nasawing biktima maging sa mga nasugatan.