Nakatakdang bumiyahe patungong China si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.
Ito ay para dumalo sa Belt and Road Forum na gaganapin sa Beijing mula Abril 25 hanggang 27 kung saan isa ito sa mga speaker.
Ayon kay Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Meynardo Montealegre, inaasahang hindi bababa sa limang (5) kasunduan ang malalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China sa nasabing forum.
May kinalaman aniya ang mga ito sa edukasyon, development assistance at kontra kurapsyon.
Dagdag ni Montealegre, magkakaroon din ng bilateral meeting si Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping kung saan posibleng pag-usapan ang mga usaping may kinalaman sa interes ng dalawang bansa.
Bukod kay Pangulong Duterte, nasa tatlumput siyam (39) na iba pang mga leaders ng iba’t ibang bansa ang inaasahang dadalo sa Belt and Road Forum.