Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng bansa ngayong Miyerkules patungong Cambodia, Hongkong at China.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, nakatakdang dumalo ang Pangulo sa World Economic Forum for ASEAN sa May 10 hanggang 12.
Inaasahang magsasalita si Pangulong Duterte sa pandaigdigang pulong kasama ang 25 pinuno ng bansa.
Pagkatapos ng Cambodia, tatawid ang Pangulo sa hongkong para makumusta ang mga overseas filipino workers at saka didiretso ng china sa may 13 para dumalo sa “one belt, one road forum” na tatagal ng tatlong araw.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping