Nakatakdang magbigay ng mensahe sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi ng Huwebes, ika-15 ng Abril.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatalakayin ng pangulo ang naging pagpupulong nito kay Russian President Vladimir Putin nito lamang nakaraang Martes, ika-13 ng Abril.
Inaasahang makatatanggap ang Pilipinas ng tinatayang 20-milyong dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng Russia na Sputnik V, gayunman, ay wala pang eksaktong petsa kung kailan ito ide-deliver sa bansa.