Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vietnamese President Tran Dai Quang at iba pang mga opisyal.
Layon ng working visit ng Pangulo na mapalakas ang ugnayan ng Vietnam at Pilipinas pagdating sa maritime security, law enforcement at defense cooperation.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, ang biyahe ng Punong Ehekutibo ay bahagi ng mga introductory visit nito sa mga bansang miyembro ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Bukod pa rito, makikipagpulong din ang presidente sa Filipino community sa Hanoi.
Idinagdag pa ni Jose na posible ring mapag-usapan ang arbitration ruling hinggil sa gusot sa West Philippine Sea.
By Jelbert Perdez