Mahigpit na tinututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyong Rolly.
Ito ang pagtitiyak ng malakaniyang makaraang kumpirmahin nito na nananatili pa rin sa Davao City ng punong ehekutibo.
Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahang magbibigay ng kaniyang mensahe sa bayan ang Pangulo anumang oras mula ngayon hanggang bukas.
Mahirap kasi magbyahe ngayon sa Maynila dahil nga sa bagyo pero naka-monitor ang Presidente, we actually expect him to address the nation pero hindi ko alam kung kailan. Bagamat araw ng Linggo siya ang nag-utos na ipulong lahat ng mga kalihim na nangunguna sa pagbigay tulong sa ating mga kababayan sa panahon ng bagyong ito,” ani Roque.