Nakiisa sa sambayanang Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkilala sa mga manggagawa ngayong araw ng paggawa.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte, sinabi nito na kilala sa buong bansa ang mga mamamayang Pilipino para sa “great passion, integrity at professionalism” na ipinapakita ng mga ito sa lahat ng kanilang ginagawa.
Sinabi pa niya na nakapagbibigay ng lakas at pag-asa sa sambayanang Pilipino ang mga katangiang ito.
Samantala, ayon sa Punong Ehekutibo, ang kasalukuyang administrasyon bagama’t nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang termino ay dapat na manatiling committed sa pagbibigay ng oportunidad sa mga tao.