Nakiisa ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw na ito.
Ang pagdiriwang ng araw ng mga kababaihan ayon sa pangulo ay paalala para matiyak na ang naipapatupad ng tama ang Magna Carta for Women sa lahat ng sangay ng gobyerno.
LOOK: Mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng International Women’s Day. | via @jopel17 pic.twitter.com/gz1n6LyqU4
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 8, 2019
Sinabi ng pangulo na dapat ding lumikha ng platforms para matalakay ang best practices, gaps at mga hamon sa pagsusulong ng gender and development sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Tiniyak ng pangulo na committed ang kaniyang administrasyon sa pagsusumikap ng gobyerno at pribadong sektor para pahalagahan ang kapakanan ng mga kababaihan.