Nakikitaan ng pagasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ngayo’y pagbabakuna sa mga economic at government frontliners.
Ito ang mensaheng ipinarating ng pangulo sa naganap na symbolic vaccination sa mga nasa A4 priority category.
Sa kaniyang taped message na ipinalabas sa naturang event, inilarawan ng pangulo bilang “light at the end of the tunnel” ang pagdating ng bulto-bultong bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sa pagsisimula aniya ng mass vaccination sa maraming manggagawa pampubliko at pribadong sektor, matitiyak ang karagdagang proteksyon ng mga ito laban sa nakakahawang sakit.
Ilan sa mga kabilang sa A4 priority group ang mga manggagawang nasa food insudtry, journalist, truck driver, BPO personnel, food delivery rider, sales clerk at iba pa.