Tinalakay nila Pangulong Rodrigo Duterte at Japan Prime Minister Yoshihide Suga ang ilang mahahalagang usapin sa kanilang kauna-unahang pag-uusap sa telepono.
Ayon sa Malakanyang, pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Suga sa ipinagkaloob na tulong ng Japan tulad ng $3.16 million dollars emergency assistance at dalawang substantial loan para makabawi ang Pilipinas mula sa pandemiya.
Gayundin ang pangangasiwa ng Japan para sa repatriation ng may mahigit 3,800 Filipino pauwi ng Pilipinas sa gitna ng COVID-19 crisis.
Pinag-usapan din ng dalawang lider ang pagpapalakas sa maritime security at defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa gitna na isyu sa South China Sea.
Nagpasalamat din ang pangulo sa ibinibigay na suporta ng Japan sa peace development sa Mindanao at Build Build Build program ng pamahalaan.
Samantala, inanyayahan naman ni Pangulong Duterte si Suga na bumisita sa Pilipinas, oras na bumuti na ang sitwasyon.