Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaik sa gitna ng issue hinggil sa sitwasyon ng mga Filipino na nagta-trabaho sa naturang Gulf State.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang deployment ban ng mga O.F.W. sa Kuwait matapos ang pagpapakamatay umano ng ilang Pinoy dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.
Iginiit ng Pangulo sa embahador na sakaling mayroon pang isang OFW na mamatay o abusuhin sa Kuwait ay posibleng pauwiin ang lahat ng Pinoy mula sa naturang bansa.
Nilinaw din ni Pangulong Duterte na hindi niya nais makipag-alitan sa Kuwait subalit dapat i-respeto nito maging ng iba pang Arab Nations kung saan maraming Filipino ang karapatan ng mga OFW at tratuhin sa makataong paraan.
Posted by: Robert Eugenio