Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.
Si Wang ay dumating sa Maynila para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Duterte sa Malacañan Palace kasunod ng pagbisita naman ni Foreign Secretary Teodoro Locsin sa China noong October 2020.
Naganap ang pagpupulong ng dalawang lider sa gitna ng pakikipag-negosasyon ng bansa para sa COVID-19 vaccine ng Sinovac Biotech Ltd.
Sinasabing mananatili ang Chinese official sa Pilipinas hanggang Sabado, ika-23 ng Enero.