Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng FIBA o International Basketball Federation.
Kaugnay ito sa bid ng Pilipinas para maging co-host ng Japan at Indonesia para sa 2023 FIBA World Cup.
Nasa bansa ang mga opisyal ng FIBA upang inspeskyunin ang mga basketball facilities para naturang international basketball event.
Isinumite ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang bid at malalaman kung sino ang mananalo sa katapusan ng taon.
Kasama rin sa naturang pulong sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Christopher Lawrence go, Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at business tycoon Manuel Pangilinan.
—-