Mainit na tinanggap si Pangulong Rodrigo Duterte ng Filipino Community sa bansang Thailand sa huling yugto ng kaniyang official visit sa nasabing bansa bago bumalik sa Pilipinas.
Sa kaniyang talumpati sa Royal Thai Navy Headquarters sa Bangkok, ipinaliwanag ng Pangulo na bahagi ng chairmanship ng Pilipinas sa nalalapit na ASEAN summit sa Maynila ang layunin ng kaniyang pagbisita.
Tinalakay din ng Pangulo ang kampaniya ng kaniyang administrasyon kontra krimen at katiwalian kabilang na ang pagpapabilis ng processing time sa pagkuha ng mga dokumento at pagtatayo ng one stop shop para sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Sinabi rin ng Pangulo sa mga Pilipino sa Thailand na bawal nang bungkalin ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang bag ng mga OFW at pinayuhan niya ang mga iyon na mag-iskandalo sakaling maharap sa mga tiwaling awtoridad at tiyak aniyang makararating iyon sa kaniya.
By: Jaymark Dagala