Nakipagpulong ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.
Ilang araw ito matapos lumabas ang umano’y pagkadismaya ng MILF sa gobyernong Duterte dahil sa bigong pagtupad sa mga nakalipas na kasunduan ng magkabilang panig.
Kabilang sa mga nakausap ng Pangulo sa Malacañang sina MILF Chair Al Haj Murad Ebrahim, Bangsamoro Transition Commission Chair Ghazali Jaafar, MILF Peace Implementing Panel Chair Mohaguer Iqbal, BTC Commissioner Abdulra of Macau at BTC Executive Director Esmael Pasigan.
Ang pulong ay dinaluhan naman sa panig ng gobyerno nina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, DILG acting Secretary Catalino Cuy at Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Hindi pa naman inilabas ng Malacañang ang mga detalye sa nasabing pulong.
By Judith Larino