Nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng Pulis Caloocan na si SPO1 Junior Hilario na nasawi sa operasyon matapos barilin ng isang gun for hire suspect.
Agad ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu Lapu Kalasag Medal si Hilario dahil sa katapatan at katapangan na ipinakita nito sa kanyang pagseserbisyo sa bayan.
Magbibigay din ng ang punong ehekutibo ng cash donation at iba pang tulong sa naiwang pamilya ni hilario.
Naulila ng pulis ang kanyang asawa at isang anim na taong gulang na anak.
Samantala, naglabas naman ng hinanakit kapatid ni Hilario na si Leonora at kinuwestyon ang pananahimik ng mga kritiko ng war on drugs.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE