Nagpaabot ng pakikiramay ang punong ehekutibo sa pagpanaw ni Indonesian Ambassador to the Philippines na si Dr. Sinyo Harry Sarundajang.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nawalan ng tunay na kaibigan ang Pilipinas sa pagkawala ng opisyal.
Dagdag pa ng pangulo, sa pamamagitan ni Sarundajang, mas lalo pang tumibay ang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.
Mababatid na itinalaga bilang ambassador sa bansa si Sarundajang noong 2018.