Nanawagan sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang 3-day National Vaccination Day ng Pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, kung patuloy na susuportahan ng publiko ang mga programa ng kaniyang administrasyon laban sa nakakahawang sakit ay mapagtatagumpayan ng bansa ang paglaban sa pandemiya at agad na maaabot ang herd and population protection ng bansa.
Naniniwala kasi ang Pangulo na mas mabilis ding makakabangon ang ekonomiya at mas mapapalakas nito ang bansa kung lalo pang tataas ang bilang ng mga fully vaccinated. —sa panulat ni Angelica Doctolero