Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na ipasa na ang kanyang mga priority bills ngayong nagsimula na ang 18th Congress.
Kabilang aniya rito ang panukalang National Land Use Act na naglalayong matugunan ang kinakailangang lupain para sa mga bagong negosyo, pabahay at environmental conservation.
Isinusulong din ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapasa sa second package ng TRAIN Law na tinatawag na Tax Reform for Attracting Better and Higher Quality Opportunities o TRABAHO Bill.
Ayon kay Pangulong Duterte, makatutulong ito para maibaba ang corporate income tax, rationalization ng tax incentives at madagdagan ang excise tax sa tobacco at alcohol.
Isinulong din ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang pag-apruba ng Kongreso sa Salary Standardization Law para sa mas mataas na sahod ng mga empleyado sa pamahalaan kabilang na ang guro at nurses.
Gayundin ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience, Department Resources, fire protection at iba pang modernization program at pagbabalik ng ROTC sa senior highschools.