Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang kanyang termino nang lumalaban.
Kasunod na rin aniya ito ng patuloy na nakukuhang suporta mula sa taumbayan batay na rin sa pinakahuling lumabas na survey kung saan nakakuha siya ng 85 percent na trust and approval rating.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagsisilbing inspirasyon niya ito para ipagpatuloy ang mga adhikain para sa bansa.
“Numbers speak a thousand words telling hundred tales but the landslide victory of the administration as well as the latest survey results shows that my disapproval rating is 3%. The determination to pursue relentlessly what we have started.”
Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na kanyang gugulin ang huling tatlong taong sa pwesto para maiangat at mabigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Pilipino.
Target aniyang mas mapabuti ang bansa kumpara sa kanyang kinalakhang Pilipinas.
“My dreaming is glowing days ahead of every Filipino. I dream of a Philippines better than the one I grew up with. This is my pledge and commitment or just 3 years if I can. If I cannot, I’m sorry. But I shall continue to comply to the constitutional duty to preserve and protect the Filipino until the last day of my term.” — Bahagi ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.