Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City.
Kabilang sa mga dumalo sa PMA Alumni Homecoming ay sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Executive Secretary Salvador Medialdea, Senator Alan Peter Cayetano, Senator Manny Pacquiao, Senator Gregorio Honasan at Senator Panfilo Lacson.
Dumalo din sina Defense Delfin Lorenzana, Security Adviser Hermones Esperon, General Eduardo Año at PNP Chief Ronald dela Rosa.
Sa nasabing seremonya kinilala rin ang 12 alumni Cavalier awardees kabilang na ang mga Jubilarian.
Samantala, isa nang ganap ng miyembro ng PMA Alumni Association si Pangulong Rodrigo Duterte.
Itoy makaraang gawin siyang honorary member ng buong asosasyon.
Ilan sa mga kilalang personalidad na ginawang honorary member ng PMA Alumni Association ay sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Gloria Macapagal Arroyo.
Nagpahayag naman ng suporta ang buong asosasyon kay Pangulong Duterte partikular na ang kampanya nito sa korapsyon kriminalidad at iligal na droga.
By Katrina Valle | Report from Jonathan Andal (Patrol 31) | Rianne Briones