Ibinasura na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya na makipag-negosasyon sa grupong ISIS-Maute upang matigil na ang karahasan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sa kanyang pagharap sa daan-daang sundalo sa Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu, inihayag ni Pangulong Duterte na wala na sa kanyang isip na makipag-usap sa mga brutal na terorista.
Ayon sa Pangulo, imposibleng magkaroon ng negosasyon lalo’t kung ang kausap ay walang puso at kaluluwa kung pumatay.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na pursigido ang gobyerno na ubusin at patayin ang lahat ng mga miyembro ng teroristang grupo upang hindi na makapanggulo ang mga ito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte