Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na isang hindi magandang polisiya ang kanyang kampanya kontra iligal na droga lalo’t hindi naman nais ng mga Filipino na pumatay ng kanilang kapwa Pinoy.
Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang madugong war on drugs kahit hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi biro ang napakaraming nalululong sa iligal na droga maging ang mga pulis na nasasangkot sa illegal drugs trade.
Wala anya siyang paki-alam sa mga batikos ng mga kritiko partikular ang international community sa halip ay mas nakatutok siya sa pagbibigay proteksyon sa taumbayan lalo sa kabataan.