Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na mamamayagpag ang Philippine Sports kahit tapos na ang kaniyang termino.
Ipinabatid ng paunong ehekutibo na kumpiyansa ito na ang unang batch ng mga mag-aaral sa national academy of sports’ o nas ang mga susunod na magpapamalas sa iba’t ibang international competitions gaya ng olympics.
Habang pinuri din ng Pangulo ang National Academy of Sports’ na dinisenyo para maging “world class” na institusyon na nagbibigay ng edukasyon at mataas na kalidad ng sports programs sa mga student-athletes.
Kasunod nito, inalala rin ng pangulo ang pagsungkit ni hidilyn diaz ng kauna-unahang olympic gold medal para sa Pilipinas.